Jovit Baldovino: Faithfully

0

17 years old “ABS CBN’s Pilipinas Got Talent” grand champion, Jovit Baldovino, recently had a concert in Cebu. iLuvcebu.com had a chance to chill with the young singer over coffee. From being a siomai vendor in Batangas and coming from a less priviledged family, let’s see how he is living his present fairytale.

Jovit Baldovino

iLuvcebu: How’s was the concert?

Jovit: The concert was successful. Madami namang tao. Lahat nagenjoy. (Lots of people came and enjoyed the concert)

iLuvcebu: How did your life change after you won Pilipinas Got talent?

Jovit: Madaming pagbabao. Yung di ko nagagawa dati nagagawa ko na ngayon. At madami akong nakilalang iba’t ibang uri ng tao: puti, itim, kayumangi. At yung pinapanood ko at iniidulo kong mga artista sa TV nuon nakakasama ko na sa shows at nagiging lead act ako sa concert ko. Tapos yung di ko nabibili dati, nabibili ko na. ( There have been so many changes. There are things I can do now that I can’t do before. I have met different people of different races: white, black and brown. Artists I watch over the television before, I get to work with them on shows.  I also get to be the lead of my very own concert. And I can buy things that I can’t afford before.)

iLuvcebu: You got Cebuano roots right?

Jovit: Papa ko taga Cebu, sa Dalaguet. Marunong nga ako ng kaunting Bisaya. 5 months ago I went to Dalaguet. Sayang di ko nga naabutan lolo and lola ko, who passed away a year ago.

Jovit

iLuvcebu: May Girlfriend na ba si Jovit? (Does Jovit have a girlfriend?)

Jovit: Sa ngayon, marami. Ibig sabihin ng marami na yon is yung mga fans. Trabaho muna dapat, dapat luboslubusin na ito kasi mahirap na pong bumalik sa dati, swerte pa nga ako kasi sa dinami daming tao na nabibigyan ng ganitong pagkakataon, ako pa ang binigyan ng ganitong opportunity. (As of now, I have many, and when i say many, Iam referring to my fans. Well as of now, I have to take advantage of the opportunity and work. And I am lucky to have this opportunity.)

iLuvcebu: What was Jovit like before Pilipinas Got Talent.

Jovit: Walang wala po kami before. Ngayon ako ang pinaka ugat at nagtutustos sa pamilya namin, ako po yung breadwinner. And happy ako na makahelp sa family ko, kasi sa edad kung to, malaki ang naitutulong ko sa family ko. Mga kapatid ko na hindi nakakapagaral dati, napagpapaaral na namin. 5 kaming magkakapatid, pang dalawa ako. Yung panganay namin dati syang karpentero, tumigil sya sa pagaaral kasi walang wala kami. Ngayon, nagiging okay na kalagayan namin. (Before we really had nothing. Now, I support my entire family and I am my family’s breadwinner.My siblings who can’t go to school before now they are going to school.Our eldest even have to stop schooling  before and have to be a carpenter because we don’t have the money for him to finish school before. Now our status is getting better.)

iLuvcebu: How busy are you?

Jovit: Ngayon nag hohome study ako, and  takbo ako don, takbo ako dito for shows and concerts. Tulad ngayon, katatapos ko lang magconcert and mamaya naman punta kami Dublin, Ireland. So medyo busy talaga. (Now I am under home study and I have to run there and run here for shows and concerts. Like today, I just got done with a concert here and later I’d be flying to Dublin, Ireland. So am quite busy.)

iluvcebu


iLuvcebu: So how many times have you done a concert outside the country and how does it feel?

Jovit: Many times na ako nakapagconcert outside the country. Noon binabasa ko lang sa school, ngayon napupuntahan ko na. First concert ko sa labas ng Pinas is sa Singapore, big concert yon kasi under sa TFC.

iLuvcebu: Do you get nervous before any performance?

Jovit: Uo naman. Hindi naman nawawala. Sa start ng performance talagang nakakanerbiyos. But sa middle ng performance nawawala na yong kaba when nakikita mo mga tao na nageenjoy and nageenjoy din ako.

Iluvcebu: Any hobbies or stuff you do aside from singing?

Jovit: I play basketball and I play musical instruments except wind instruments. I can play the drums, guitar and the keyboard. And my favorite instrument is the drums.

iLuvcebu: Who is your inspiration to sing?

Jovit. Of course my family. Habang kumukanta ako iniisip ko ang kalagayan namin noon. Iniisip ko na ang bilis ng pangyayari noon nasa bukid lang ako nagtatanim, nagtitinda ng siomai.

iLuvcebu: When did you start singing?

Jovit: Since I was 3 years old. Tapos banda banda. At before di naman ako vocalist, ako yung nagdrudrums at nagbabase guitar, di nga nila alam na ganito akong kumanta.

iLuvcebu: What do you miss or crave in Cebu?

Jovit: Lechon! Sarap ng lechon dito! And pumunta kami ng Ayala at nagpagawa pa ako talaga ng I Love Cebu shirt.

iLuvcebu: What’s next for Jovit? Any plans of acting? Who is your dream tandem?

Jovit: Hindi ko pa alam din eh. Basta sa mga fans, pangako ko lang is kung  sino ako noon, pareho paring Jovit sa years to come. If kung may alok na magact ako then di ko naman babaliwalain. But I did acting sa mga commercials. gusto ko makapareha si KC Concepcion. Iba sya eh. At sa genre, kahit ano naman, pero nahihirapan ako magdrama. Kasi nuon sa idol first ko na scene is kailangan akong umiyak. And umabot ng 2 oras before ako napaluha, wala akong magagawa kasi first time ko pa.

iLuvcebu: Did you have any formal training in singing?

Jovit: Wala po. Nagpractice lang po ako sa DVD na binili ni kuya at kung wala po sya ako naman po gumagamit, mahilig sya sa mga rock ballads, heavy at rock alternative. Yung nagbanda banda ako, chacha and R&B yung genre.

iLuvcebu: Who’s the hardest judge to please? and who is your likest?

Jovit: yung hardest iplease si Sir FMG (Freddie M. Garcia). Kasi misteryoso, unpredictable. Pinaka favorite ko naman si Ms. Aiai, kasi iba po sya, after the show nakikipagusap sya sa amin, tapos iniinvite po kami sa party at binibigyan po kami ng budget at baon. Napakabait po talaga.

iLuvcebu: Who is your favorite singer?

Jovit: International artist is Arnel Pineda, but pinaka favorite ko is si Wency Cornejo, kasi para sa akin may tama ang kanta nya. Parang nakakarelate ako.

iLuvcebu: How many albums do you have? What’s your new album? Tell us more about the new album?

Jovit: First album ko is Jovit Baldovino: Faithfully, ang latest is “I’ll do Anything for Love” – mga rock ballads with 2 original songs and yung isa ako nag arrange.


Jovit Baldovino iLuvcebu.com

Jovit loves iLuvcebu.com

Share.

About Author

Leave A Reply